Talao-Talao Port – Buyabod Port, kabilang sa bagong ruta ng RoRo na binuksan ng Marina

SANTA CRUZ, Marinduque – Binuksan ng Maritime Industry Authority (Marina) ang 19 na bagong Roll-on/Roll-off (RoRo) missionary routes upang mas marami ang mapagpipiliang daanan ng mga produkto. Ayon sa Department of Transportation ito ay bahagi ng pagpapaganda ng domestic shipping industry at bilang suporta sa nautical highway development ng bansa. Ang mga bagong RoRo missionary routes ay ang: 1) Basco, Batanes – Currimao, Ilocos Norte 2) Batangas City – San Jose, Occidental Mindoro 3) San Juan, Batangas – Abra de Ilog, Occidental Mindoro 4) Real, Quezon – Polillo Island, Quezon…