SK chairman patay, 2 kasama sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Boac

BOAC, Marinduque – Patay ang SK chairman habang sugatan naman ang dalawang kasama nito sa aksidente sa motorsiklo sa Boac, madaling araw ng Huwebes, Pebrero 7.

Kinilala ang nasawi na si Berwin Rivera, 22-anyos, kasalukyang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng barangay Hinapulan.

Samantala, ang dalawang sugatang backrider ay kinilalang sina Rommel Malco, 23-anyos at Glen Cedrick Ribleza, 19-anyos pawang residente ng barangay Balimbing.

Base sa imbestigasyon nina SP02 Rodny Pamonag at PO3 Generoso Refugia, nanggaling sa ‘birthday party’ ang magkakaibigan at habang papauwi ay sumalpok ang sinasakyan nilang motor sa ‘concrete signage’ sa barangay Tabi ng nasabing bayan.

Kaagad na isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Rivera. – May kasamang ulat mula kay Adrian Rosales/Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts