Biyahe ng Cebu Pacific sa Marinduque maaaring magsimula sa Abril 1

GASAN, Marinduque – Inaasahang magsisimula ang biyahe ng mga eroplano ng Cebu Pacific sa Marinduque ngayong darating na Abril 1, 2019.

Base sa impormasyon na nakalap ng Marinduque News, hinihintay na lamang na mag-comply ang Civil Aviation Authority of the Philippines-Marinduque at LGU Gasan sa ilang kahilingan ng Cebu Pacific kagaya ng pag-aalis ng mga puno at establisyemento malapit sa run way na makasasagabal sa paglipad at pagbaba ng mga eroplano sa Marinduque Domestic Airport.

Ang magiging schedule umano ng biyahe ng mga eroplano ng Cebu Pacific ay tuwing araw ng Lunes, Miyerkules at Sabado.

Matatandaan na Nobyembre noong nakaraang taon ay nagkaroon ng pagpupulong si Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco kay Cebu Pacific President Lance Gokongwei para sa operasyon ng nasabing paliparan. – AOR/RAMJR/Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts