PVetO nagbabala sa mga motorista na bibisita sa Marinduque ngayong Holy Week

BOAC, Marinduque – Nagbabala ang Provincial Veterinary Office (PVetO) sa mga ‘motorcycle riders’ na bibisita sa Marinduque ngayong darating na Holy Week.

Ito ay matapos lumabas sa isinagawang pag-aaral ng Surveillance and Monitoring Team ng PVetO na napakadelikado para sa mga motorista ang paglalakbay sa mga pangunahing lansangan sa lalawigan dulot ng mga ligaw at mababangis na aso o iyong tinatawag na ‘stray at feral dogs’.

Tinukoy ng PVetO ang mga  sumusunod na bayan at barangay na mapanganib sa mga motorista:

Boac
Buenavista
Gasan
Mogpog
Santa Cruz
Torrijos

Samantala, nagpaalala naman si Dr. Josue Victoria, provincial veterinarian sa mga may-ari ng asong gala na maging responsableng ‘pet owner’.

“Habang nagsusumikap ang mga ‘tourism offices’ sa ating lalawigan na itaguyod ang turismo at natatanging ganda ng Marinduque, patuloy naman itong dinudungisan ng mga iresponsableng nag-aalaga ng aso”, pahayag ni Dr. Victoria.

Mananagot sa batas ang mga iresponsableng ‘pet owner’ sa ilalim ng RA 9482 o Anti Rabies Act of 2007. Marinduquenews.com

Related posts

One Thought to “PVetO nagbabala sa mga motorista na bibisita sa Marinduque ngayong Holy Week”

  1. […] Nito lamang nakalipas na linggo ay nagbabala ang PVetO sa mga ‘motorcycle riders’ na bibisita sa Marinduque ngayong daratin…. […]

Comments are closed.