Biyahe ng eroplano sa Marinduque tuloy na sa Abril 1

GASAN, Marinduque – Magsisimula ng bumiyahe ang mga eroplano ng Cebu Pacific sa Marinduque ngayong darating na Abril 1, 2019.

Base sa opisyal na website ng Cebu Pacific, tatlong beses sa looban ng isang linggo ang magiging schedule ng biyahe at ito ay ang mga sumusunod:

Manila to Marinduque

Monday3:25 PM
Wednesday6:00 AM
Saturday5:45 AM

Marinduque to Manila

Monday4:45 PM
Wednesday8:45 AM
Saturday8:45 AM

Sa kasalukuyan ay nagkakahalaga ang pamasahe sa eroplano ng Php 1,089.28 hanggang Php 1,862.08 kasama ang tax at iba pang ‘service charges’.

Samantala, bilang pagsuporta sa turismo ng probinsya at pakikiisa sa paglipad ng Cebu Pacific Air sa Marinduque ngayong Abril, ang Dream Favor Travel and Tours, isang accredited travel agency ng Department of Tourism ay magbibigay ng 200 pesos na diskwento sa mga pasahero na magpapabook sa kanila. Mangyaring tumawag sa mga numerong +63918-933-1605, +632-542-5229 o sagutan ang form sa ibaba:

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)

Related posts