Pawikan nailigtas sa bayan ng Buenavista

BUENAVISTA, Marinduque – Isang lalaking green sea turtle na mas malaki pa sa batya ang nailigtas sa Barangay Bancoro, Buenavista nitong Huwebes ng umaga, Marso 7.

Base sa ulat, bandang alas 6:45 ng umaga nang namataan ng tricycle driver na si Christopher Rey ang pawikan sa Highway ng Bancoro-Daykitin, Buenavista.

Agad namang dinala ang naturang pawikan na may habang 73 sentimetro at lapad na 50 sentimetro sa tabing dagat ng Barangay Uno sa pakikipagtulungan nina Municipal Agriculture Officer Felimon Castro at PO3 Josephine Federico kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management staff.

Walang palatandaan na una na itong nahuli at ibinalik sa dagat kaya nilagyan ito ng serial number na PH1013K sa kaliwang palikpik.

Wala ring tinamong sugat ang pawikan kaya agad din itong pinakawalan sa karagatan. – May kasamang ulat mula kay Yurik Pearl Gapilango/Radyo Kamalindig/Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)

Related posts