Marinduque Rep. Velasco, inendorso ring Speaker ni Mayor Sara

Si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco umano ang “manok” ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa House speakership.

Inanunsiyo niya ito sa campaign rally sa Tagbilaran City, isang araw lang ang nakalipas matapos niyang sabihing si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang susunod na House Speaker.

“Kani siya… ako ipailaila ninyo ang next Speaker of the House, Marinduque Rep. Lord Velasco,” saad ni Duterte-Carpio.

Anang presidential daughter, lahat ng inendorso niya ay akmang maging Speaker pero nakalalamang umano si Velasco dahil miyembro ito ng PDP-Laban.

Matatandaang si Duterte-Carpio ang nagpatanggal umano kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang Speaker at ipinalit si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. -This story was first published on Abante

What's on your mind?
Marinduque News

Related posts