659 kilo ng basura nasamsam sa Boac river

BOAC, Marinduque – Aabot sa 659 kilo ng basura ang nakuha ng mga residente sa Boac, Marinduque na nakiisa sa ginawang paglilinis sa ilog kasabay ng paggunita sa World Water Day.

Isinagawa ang paglilinis noong Biyernes nang umaga, dalawang araw bago ang ika-23 anibersaryo ng Marcopper Mining Disaster.

Nilinis ng mga dumalo ang kahabaan ng 27 kilometrong Boac River na nasasakupan ng 26 barangay.

Matatandaang ang Boac River ang isa sa pinakanaapek­tuhan ng Marcopper Mining Disaster noong March 24, 1996 matapos masira ang tunnel ng Marcopper Mining Corporation at kumalat ang mapanganib na kemikal. – This story was first published on Abante Tonite

What's on your mind?

Marinduque News

MNN is a one-stop online portal serving the island province of Marinduque. Aside from providing the latest news, information and as-it-happens updates in and around the province, the site likewise lends its hands in promoting the island to boost local tourism. It serves as the eyes, ears and voice of every Marinduqueno,
Marinduque News

Related posts