GASAN, Marinduque – Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga tauhan ng Civil Aviation Authority at ng lokal na pamahalaan para sa muling pagbubukas ng Marinduque Domestic Airport.
Magkakaroon ng maikling programa para sa ‘inaugural flight’ ng Cebu Pacific Air sa Masiga, Gasan kung saan ay sasalubungin ng ilang opisyales ng pamahalaan ang mga sakay ng eroplano sa unang lipad nito mula Maynila patungong Marinduque sa Lunes, Abril 1.
Isa sa mga sasalubong ay ang regional director ng Department of Tourism-Mimaropa na si Danilo Intong.
Samantala, inaasahang lulan ng eroplano ang ilang matataas na opisyales ng Cebu Pacific Air kasama ang humigi’t sampung bloggers na inimbitahan ng CebPac, at mga pasahero na nagbook sa nasabing ‘maiden flight’. – Marinduquenews.com
- Health protocols, guidelines ng IATF istriktong ipinatutupad ng Mogpog LGU - January 20, 2021
- Buenavista Vice Mayor Siena pumanaw na sa edad na 45 - January 20, 2021
- Marinduque provincial ID, nag-umpisa nang ipamahagi - January 8, 2021