Bulag na pawikan, narescue sa Gasan

GASAN, Marinduque – Isang lalaking juvenile green sea turtle (Chelonia mydas) na putol ang kanang unahang palikpik at bulag ang isang mata ang natagpuan ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng bayan ng Gasan nitong Miyerkules, Abril 10.

Inilagak pansamantala ang nasabing buhay-ilang sa isang santuwaryong nakalaan para sa mga nasasagip na pawikan na nangangailangan ng agarang tulong medikal.

Ayon kay Dr. Josue Victoria, provincial veterinarian ng Marinduque, sisikapin ng kanilang tanggapan na mapanumbalik ang lakas at kalusugan ng nasagip na pawikan bago ito pakawalan sa kanyang natural na pamahayan. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts