Sec. Tugade ng DOTr, nakatakdang dumating sa Marinduque sa Abril 11

GASAN, Marinduque – Nakatakdang dumating sa Marinduque ang kalihim ng Department of Transportation na si Arthur Tugade sa Huwebes, Abril 11.

Ayon sa ‘media invitation’ na natanggap ng Marinduque News, pangungunahan ni Tugade ang inagurasyon ng Marinduque Airport Passenger Terminal Building (PTB) sa Masiga, Gasan bukas sa ganap na ika-8:00 ng umaga.

Inaasahang makakasama ng kalihim sa kanyang pagbisita sa probinsya si Manuel Antonio Tamayo, ang undersecretary ng DOTr Aviation and Airports. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts