Mga barko sa Marinduque, walang biyahe sa Biyernes Santo

MOGPOG, Marinduque – Walang mga barko na aalis at magtutungo sa Marinduque sa Biyernes Santo, Abril 19.

Batay sa panayam ng Marinduque News kay Denmark Cueto, substation commander ng Balanacan Coast Guard, walang biyahe ang Starhorse at Montenegro shipping lines sa probinsya sa Biyernes Santo.

Aniya, ang huling magiging biyahe ng barko mula Talao-Talao Port, Lucena City patungong Balanacan Port, Mogpog ay sa Huwebes Santo, Abril 18 alas 11:30 ng gabi.

Babalik sa normal ang operasyon sa Sabado de Gloria, Abril 20. Alas 5:30 ng umaga ang unang magiging biyahe ng barko mula Balanacan Port patungong Talao-Talao Port. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts