Innova, umiwas sa aso, bumangga sa bahay sa Santa Cruz

SANTA CRUZ, Marinduque – Isang Toyota Innova ang bumangga sa bahay sa barangay Maharlika, Santa Cruz, Marinduque bandang alas-3:00 kaninang hapon, Abril 24.

Ayon sa panayam ng Marinduque News kay Police Senior Master Sergeant Belvor Pernia ng Santa Cruz Municipal Police Station, iniwasan ng drayber na si Lusito Esplana ang isang aso kaya nahulog at bumangga ang sinasakyan nito sa isang bahay na pag-aari ni Cecilia Jordan.

“Iniwasan po ng drayber ‘yong aso, pagkaiwas po sa aso, nakabig n’ya ang manibela pakanan hanggang sa mahulog siya sa malalim na bahagi na kung saan ay may bahay sa ilalim”, pahayag ni Pernia.

Nasira ang bintana, grills at jalousie ng bahay ni Jordan na napagkasunduan namang ipagagawa ni Esplana.

Walang ibang pasahero ang Innova at ligtas naman ang drayber na nagtamo lamang ng ilang pasa at galos sa katawan. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)

Related posts