Allan Velasco, Presby Velasco at Bong Raza, gusto ng mga netizen

BOAC, Marinduque – Nagsagawa ng mock online survey ang Marinduque News na sinimulan nitong Marso 30 at tumagal ng 15 araw.

Sa katanungan na, “Kung ngay-on aganapin ang botosanan, sino-sino ang mga aboto mo?”

Kung ang mga netizen ang tatanungin, sina Lord Allan Jay Velasco ang congressman, ang tatay nito na si Presby Velasco ang gobernador at si Bong Raza naman ang bise-gobernador na pinusuan ng mga nakararaming sumagot sa survey.

Sa pagka-congressman, nilampaso ni Lord Allan Jay Velasco ang kalaban nito na si Harold Lim. Si Velasco ay nakakuha ng 94% na boto samantalang 6% lamang ang pumabor para kay Lim.

Sa pagkagobernador, 81% ang nakuha ni Presby Velasco, 10% kay Violeta Reyes at 9% naman ang bomoto kay Rey Salvacion.

Sa pagkabise-gobernador naman ay inungusan ni Bong Raza ang kasalukung gobernador ng lalawigan at muling kumakandidato sa pagkabise-gobernador sa ikalawang pagkakataon na si Doc Bacorro. Si Raza ay nakakakuha ng 52%, samantalang si Bacorro ay nakakuha ng 36% at ang isa pang kumakandidato na si Allan Nepomuceno ay nakakuha naman ng 12% na boto.

Mayroong kabuuang 1,438 na netizen ang lumahok sa survey.

Ang Philippine midterm elections ay nakatakdang isagawa sa Mayo 13. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts