1 patay, 10 sugatan sa banggaan ng truck, chariot sa Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Isa ang patay habang 10 ang sugatan sa banggaan ng isang mini dump truck at chariot sa barangay Buangan, Torrijos, Marinduque nitong Huwebes, Mayo 2.

Ayon sa panayam ng Marinduque News kay Police Executive Master Sergeant Macrino Palma, pauwi na sana mula sa isang birthday party ang isang kulay pulang chariot na may lulang 10 pasahero at minamaneho ni Rodolfo Pastoral ng makabanggaan nito ang isang kulay puting mini dump truck na minamaneho naman ni Joey Paras, 48 anyos.

Nangyari ang aksidente sa pakurbang bahagi malapit sa tulay sa sitio Mabucda, barangay Buangan bandang ala-1:20 ng hapon.

Sa lakas ng salpukan, nasawi si Rodelo Gaila, 64 anyos, residente ng barangay Cabuyo na idineklarang dead on the spot habang isinugod naman sa ospital ang mga pasahero kasama ang limang bata na nagtamo ng mga sugat at galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasa kustodiya na ng Torrijos Municipal Police Station ang drayber ng truck na maaaring maharap sa magkakapatong na kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple physical injuries and damage to properties. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)

Related posts