Lalaki, patay; lola, sugatan sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isang 63 anyos na lola nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Capayang, Mogpog, Marinduque nitong Sabado ng umaga, Mayo 25.

Kinilala ang nasawi na si Robert Jacob, 42 anyos, tricycle driver at residente ng Barangay Laon samantalang ang sugatan ay kinilalang si Marieta Lauresta, mananahi at residente ng Barangay Capayang, Mogpog.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Mogpog Municipal Police Station, alas 8:30 ng umaga habang namamasada ng tricycle si Jacob sa kahabaan ng national road sa Barangay Capayang ay bigla itong pinagbabaril ng isang hindi nakilalang suspek na sakay ng motorsiklo.

Nagkataon namang sasakay sana ng tricycle na minamaneho ni Jacob si Lauresta ng aksidente itong tamaan ng bala sa kanyang dibdib.

Naisugod pa sa ospital si Jacob subalit ilang minuto ay pumanaw na rin ito dahil sa tama ng bala sa ulo at ibang bahagi ng katawan samantalang dinala naman sa Lucena City si Lauresta upang doon magpagamot.

Ayon sa pulisya, agad na tumakas ang ‘gunman’ sakay ng motorsiklo at binagtas ang direksyon patungong Barangay Laon.

Naka-Tshirt ng pula, naka-short at naka-helmet ng puti ang drayber ng motorsiklo samantalang naka-long sleeve na kulay blue, pantalong maong at walang helmet ang ‘gunman’.

Wala pang inilalabas na report sa sanhi ng pamamaril gayunpaman ay bumuo na ng special task group ang PNP Marinduque na tututok sa pagpatay kay Jacob. -May kasamang ulat mula kay Adrian Rosales/Marinduquenews.com

What's on your mind?

Marinduque News

MNN is a one-stop online portal serving the island province of Marinduque. Aside from providing the latest news, information and as-it-happens updates in and around the province, the site likewise lends its hands in promoting the island to boost local tourism. It serves as the eyes, ears and voice of every Marinduqueno,
Marinduque News

Related posts