GASAN, Marinduque – Dumating kaninang umaga sa Marinduque Airport sakay ng Cebu Pacific Air ang singer, actress na si Pops Fernandez.
Sa airport ay sinalubong si Fernandez ni Boac Mayor-elect Armi Carrion.

Ayon sa report, si Fernandez ay nakatakdang dumalo sa ‘oath-taking ceremony’ ni Carrion bilang bagong halal na alkalde ng bayan ng Boac.
Magsasagawa rin ito ng mini concert sa plaza ng nasabing bayan sa Biyernes, Hunyo 28. – Marinduquenews.com
Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)
- 6 MSME sa Marinduque, lalahok sa Food Connect Program ng DTI - June 20, 2022
- Taas-pasahe sa mga barkong biyaheng Marinduque, ipatutupad simula July 15 - June 18, 2022
- Produksyon ng tsokolate sa Marinduque, nais palakasin ng DTI - June 16, 2022