Estudyanteng biktima sa karambola ng 3 motorsiklo sa Santa Cruz, pumanaw na

SANTA CRUZ, Marinduque – Pumanaw na ang isa sa limang sugatan sa karambola na kinasangkutan ng tatlong motorsiklo sa bayan ng Santa Cruz nitong Martes ng tanghali, Hulyo 30.

Kinilala ang biktima na si Mark Lawrence Palmones, 18 anyos, estudyante at naninirahan sa Barangay Ipil ng nasabing bayan. Si Palmones ay binawian ng buhay umaga nitong Linggo, Agosto 4 sa Batangas Regional Hospital.

READ: 5 sugatan sa karambola ng 3 motorsiklo sa Santa Cruz

Sa social media ay nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ang mga kaibigan at kaklase ni Palmones.

Ayon sa Facebook post ni Ibert Regio, SK Chairman ng Barangay Ipil, “Ang tanggapan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ipil, Santa Cruz at mga opisyales nito ay nagpapaabot ng pakikidalamhati sa pamilya at mga kaibigan ng Miyembro ng Katipunan ng Kabataan at kabarangay na si Lawrence Palmones. Rest and peace, otoy!” Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts