12-anyos na dalagita, nasagip sa isang ‘hostage-taking incident’ sa Boac

BOAC, Marinduque – Halos dalawang oras hinostage ng 38-anyos na welder ang isang dalagita sa Barangay Tampus, Boac, Marinduque, Linggo ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Trovador Mabitad Buban kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay, tubong Quezon Province.

Ayon sa pulisya, may dalang patalim ang suspek habang isinasagawa ang hostage-taking.

Nakasuot ng improvised bullet-proof vest gamit ang pinagtagpi-tagping bisagra nang maaresto ng mga awtoridad ang hostage-taker.

Suot ng suspek na si Trovador Mabitad Buban ang pinagtagpi-tagping bisagra bilang bulletproof vest nang maaresto dahil sa pangho-hostage ng isang 12-anyos na bata. Photo by PROB / Marinduquenews.com
Suot ng suspek na si Trovador Mabitad Buban ang pinagtagpi-tagping bisagra bilang bulletproof vest nang maaresto dahil sa pangho-hostage ng isang 12-anyos na bata. Photo by PRO4B / Marinduquenews.com

Matapos ang ilang oras na negosasyon, pinakawalan din ang bata na hindi naman nagtamo ng anumang sugat sa katawan.

Inihahanda na ng Boac Municipal Police Station ang mga kasong Serious Illegal Detention, Attempted Homicide in relation to Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act dahil sa pangho-hostage ng suspek sa bata. – May kasamang ulat mula kay Adrian Rosales, Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts