2 lalaki, kalaboso sa ‘illegal treasure hunting’ sa Gasan

GASAN, Marinduque – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang ‘treasure hunters’ sa bayan ng Gasan, Marinduque nitong Linggo, Agosto 11.

Kinilala ang mga nadakip na sina Frankie Ical, 29 anyos at Godofredo Perigren, 49 anyos, parehong residente ng bayan ng Santa Cruz.

Ayon kay Lt. Col. Socrates Faltado, Mimaropa regional police information officer, nahuli ng mga awtoridad ang mga suspek habang naghuhukay sa Barangay Bahi ng nasabing bayan. Ito ay matapos makatanggap ng ‘tip’ ang mga pulis mula sa ilang residente.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 ang mga suspek.Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)

Related posts