House Energy Chair Velasco, binisita ang Sunwest Solar Plant sa Romblon

ODIONGAN, Romblon – Sorpresang binisita ni Marinduque Representative at House Energy Committee Chairman Lord Allan Jay Velasco ang solar power plant ng Sunwest Water & Electric Company (SUWECO) sa Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon nitong Sabado, Agosto 3.

Ayon kay Dennis Alag, ISD Manager ng Tablas Island Electric Cooperative, kasama ni Velasco sina Sunwest Group Chairman Zaldy Co at Marinduque Electric Cooperative General Manager Gaudencio Sol, Jr.

Nais umano ni Velasco na alamin ang sitwasyon ng kuryente sa Tablas Island, gayundin upang magkaroon ito ng ideya sa pagpapatakbo ng ‘electric cooperative’ sa nasabing isla.

Sinabi naman ni Alag na natuwa si Velasco sa kanyang pagbisita dahil ang Tablas ang may pinakamalaking micro-grid system sa mga Small Power Utilities Group (SPUG) areas sa Pilipinas, kung saan maganda ang kasunduan ng Diesel Plant at Solar Power Plant para mag-suplay ng kuryente sa Tablas.

Ang SUWECO Solar Power Plant ang nagbibigay ng kuryente na ipinamamahagi ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) sa buong Tablas Island sa lalawigan ng Romblon. – This story was first published on Romblon News, a local news partner of Marinduquenews.com

What's on your mind?

Marinduque News

MNN is a one-stop online portal serving the island province of Marinduque. Aside from providing the latest news, information and as-it-happens updates in and around the province, the site likewise lends its hands in promoting the island to boost local tourism. It serves as the eyes, ears and voice of every Marinduqueno,
Marinduque News

Related posts