Marinduque Rep. Velasco itinalagang pinuno ng PDP-Laban sa Kamara

Pamumunuan ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco ang ruling party na PDP-Laban sa mababang kapulungan ng kongreso.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si Velasco sa naging pasya ng partido na pamunuan niya ang mayorya ng mga mambabatas sa Kamara.

Si Velasco ang nakatakdang humalili kay House Speaker Alan Peter Cayetano sa ilalim ng term sharing agreement kung saan, manunungkulan ito sa loob ng 15 buwan.

Kasunod nito, kumpiyansa si Velasco na mapapatatag pa ng nasabing hakbang ang kanilang pagkakaisa sa PDP-Laban na binubuo ng 69 na mambabatas. – This story was first published on DWIZ882AM

What's on your mind?

Marinduque News

MNN is a one-stop online portal serving the island province of Marinduque. Aside from providing the latest news, information and as-it-happens updates in and around the province, the site likewise lends its hands in promoting the island to boost local tourism. It serves as the eyes, ears and voice of every Marinduqueno,
Marinduque News

Latest posts by Marinduque News (see all)

Related posts