P1,000 na dagdag-sahod ng mga kasambahay sa Mimaropa epektibo simula Agosto 21

Inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang P1,000 na dagdag-sahod ng mga ‘domestic workers’ o kasambahay sa Mimaropa.

Base sa inilabas na kautusan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, ang mga kasambahay sa mga probinsya ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan ay dapat makatanggap ng P3,500 na buwanang sahod.

Epektibo ang dagdag sweldo, simula Agosto 21, 2019 matapos maisapubliko ang ‘wage order’.

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts