CebPac, nagbawas ng biyahe sa Marinduque

GASAN, Marinduque – Dalawang beses na lamang sa loob ng isang linggo ang magiging biyahe ng Cebu Pacific Air (CebPac) sa Marinduque simula Oktubre 27.

Kung dati ay tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ang schedule ng biyahe ng CebPac sa Marinduque, tuwing araw ng Miyerkules at Sabado na lamang ang magiging lipad nito patungo at paalis ng probinsya. Ito ay base sa nakalathala sa kanilang website.

Bagong schedule ng biyahe ng Cebu Pacific Air sa Marinduque. Screenshot from CebuPac official website

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang CebPac sa dahilan ng pagbabawas ng biyahe.

Matatandaan na Abril nitong taon ng magsimula ang operasyon ng Cebu Pacific Air sa Marinduque Airport. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts