1 tricycle driver sa Gasan, huli sa buy-bust operation

GASAN, Marinduque – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang lalaki matapos matimbog sa pagtutulak ng droga sa Barangay Bachao Ibaba sa bayan ng Gasan, Marinduque.

Kinilala ang suspek na si “Alyas Pangol”, 41 anyos, tricycle driver at residente ng nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Marinduque News, nahulog sa inilatag na drug buy-bust operation na pinamunuan ni Gasan MPS Police Major Yancy Sapio si Alyas Pangol matapos nitong bentahan ng isang sachet nang hinihinalang shabu ang isang police asset.

Nakuha sa suspek ang 1 small pack ng suspected shabu, at P1,000 na ginamit na buy-bust money.

Habang isinagawa ang buy-bust operation ay nagtangka pa umanong tumakas ng suspek gamit ang minamaneho nitong tricycle.

Nasa kustodiya na ng Gasan Municipal Police Station si Alyas Pangol na mahaharap sa kaukulang kaso. – May kasamang ulat mula kay Adrian Rosales, Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)

Related posts