No. 6 most wanted person sa Mimaropa arestado

BUENAVISTA, Marinduque – Naaresto ang pang anim na most wanted person sa Mimaropa matapos ang ginawang operasyon ng mga awtoridad laban sa suspek nitong Miyerkules, Setyembre 18.

Nakilala ang suspek na si Rico Loto, 43 anyos, at nakatira sa Barangay Caigangan, Buenavista, Marinduque.

Ayon sa pulisya, si Loto ay nahaharap sa dalawang kaso ng rape.

Arestado ang suspek sa ginawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng RIU MIMAROPA, Buenavista Municipal Police Station, PIB & PIDMB Marinduque PPO, at PCP 4 Muntinlupa City Compact base sa warrant of arrest na inilabas ni Judge Antonina M. Calderon-Magturo ng RTC Branch 94, Boac, Marinduque na may petsang Nobyembre 21, 2017.

Walang ini­rekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts