Tulak ng marijuana, tiklo sa buy-bust sa Gasan

GASAN, Marinduque – Kulungan ang bagsak ng isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad nitong Lunes, Setyembre 30.

Nakuhanan nang isang plastic sachet ng suspected marijuana si Alyas JP, 23 anyos, at residente ng Barangay Dawis sa nasabing bayan.

Kabilang sa nakumpiska kay Alyas JP ang perang papel na nagkakahalaga ng Php 500 na ginamit na buy-bust money at motorsiklo na sinakyan ng suspek.

Batay sa nakalap na report ng Marinduque News sa tanggapan ni Gasan Municipal Police Station (MPS) Police Major Yancy Sapio, ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Branch-Police Drug Enforcement Agency (PIB-PDEU Marinduque) at Gasan MPS ang operasyon alas-8:20 ng umaga sa Barangay Pinggan, Gasan, Marinduque.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. – May kasamang ulat mula kay Adrian Rosales, Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts