Lalaki, patay nang mabagsakan ng puno ng niyog sa Gasan

GASAN, Marinduque – Sa gitna ng hagupit ng Bagyong Tisoy — patay ang isang lalaki matapos mabagsakan ng puno ng niyog sa bayan ng Gasan, Marinduque.

Kinilala ang biktima na si Bernabe Lundag, 38 anyos at residente ng Barangay Pangi sa nabanggit na bayan.

Base sa impormasyon na nakuha ng Marinduque News, sa kasagsagan ng bagyo ay lumabas umano ng kanilang tahanan si Lundag upang mamulot at tipunin ang mga nahulog na bunga ng niyog subalit habang namumulot ay isang puno ng niyog ang bumagsak na tumama sa biktima.

Wala ng buhay si Lundag ng datnan ng mga rumespondeng kagawad ng barangay. – May kasamang ulat mula kay Adrian Rosales, Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)

Related posts