State of calamity idineklara sa Boac, Marinduque

BOAC, Marinduque – Isang araw makalipas manalasa ang bagyong Tisoy, agad na nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Boac sa Marinduque.

Sa resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Boac ngayong Miyerkules, Disyembre 4, sinasabi na umabot sa P198 milyon ang inisyal na pinsala ng bagyo sa taniman, kabuhayan, imprastraktura at komersiyo sa nasabing bayan.

Ayon pa sa resolusyon, 60 porsiyento mula sa 61 barangay na nasasakupan ng pamahalaang bayan ng Boac ang lubhang napinsala ng Bagyong Tisoy. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts