Bagama’t nangangamba sa kanilang kalusugan, patuloy ang isinagawang relief operation ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Torrijos partikular ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) kahit nakapagtala na ang nasabing bayan ng apat na kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Month: April 2020
LPP hiniling kay Sec. Bello na sumailalim sa PCR test ang lahat ng uuwing OFW
Hiniling ng mga gobernador sa Pilipinas sa pamamagitan ni League of Provinces of the Philippines National President at Marinduque Governor Presbitero Velasco, Jr., na bukod sa ‘mandatory 14-day quarantine period’ ay sumailalim din sa mandatory Polymerase Chain Reaction o PCR test ang lahat ng uuwing OFW.
‘Mobile Tiangge’ sa bayan ng Boac, patuloy na umaarangkada
Sa hangaring matulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga produktong gulay at prutas habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Luzon, inilunsad ng pamahalaang bayan ng Boac sa pangunguna ni Mayor Armi Carrion ang ‘Mobile Tiangge sa Barangay’ kamakailan.
2 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Marinduque
Umabot na sa anim ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa lalawigan ng Marinduque.