Sa kalagitnaan ng biyahe, habang tinatahak ng sasakyan ang daan patungo sa karatig bayan kung saan nandoon ang Santa Cruz District Hospital, laking gulat nila nang may marinig silang iyak ng sanggol. Nagluwal na pala ng isang munting anghel sa loob ng patrol car si Jessa.