Opisyal na pahayag ni Gob. Velasco hinggil pagsasailalim ng Marinduque sa GCQ

Sa ngayon ay may 12 tayong positibo sa COVID-19 19 base sa rapid antibody test. Isinasagawa ang PCR test sa kanila at hinihintay natin ang resulta. Hindi pa 100% complete ang mass rapid test. Hindi pa tapos ang clearing operations ng mga barangay sa 6 na bayan kung saan sinisiyasat ang lahat ng tao sa barangay tungkol sa kanyang temperatura, mga sintomas, travel history at kung may nalapitan silang positibo. Ang isolation areas bawat bayan ay kinukumpleto pa. Ito po ang sitwasyon ngayon sa Marinduque.

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ay mukhang hindi pa tayo handa sa pagtanggal ng Marinduque sa community quarantine.

Ganoon pa man, naglabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng Resolution No. 37 na hindi tayo kasama sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Dahil hindi tayo kasama sa mga lalawigan na under sa MECQ ay lumalabas na under tayo sa General Community Quarantine (GCQ).

Sa GSQ base sa ilalim ng IATF Resolution Nos. 35 and 35-A ay hindi pinapayagang lumabas ang lahat. Ang pwede ay ang isang representante sa household na bumili ng mga basic needs or commodities. Ang kinatawan ay kailangang kumuha ng quarantine pass sa munisipyo. Ang ibang pinapayagan ay ang mga workers sa mga establisyemento na pinapayagan under GCQ at dapat ding kumuha sila ng pass sa munisipyo. ‘Yong mga workers sa DPWH projects ay kailangang mag-rapid test at kumuha ng travel pass sa DPWH at sa Provincial Government of Marinduque (PGM) bago magsimula sa trabaho. Kailangang sundin ng contractors ang lahat ng directive at circulars ng DPWH Department Order No. 35. ‘Yong workers sa ibang proyekto (na hindi DPWH) ay kailangang kumuha ng pass sa PGM. ‘Yong mga business establishments na pweding magbukas ay ‘yong nakalagay sa listahan ng IATF Reso No. 35 &35A at kailangang sundin and direktiba ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyong magbubukas. Mahigpit na ipatutupad ang safety measures sa mga establisyemento. Kailangang kumuha rin ng approval at quarantine pass mula sa municipal governments.

Ang mga OFW’s ay puweding pumasok sa Marinduque at dapat na PCR test na sila at negative bago sila papayagang papasok sa atin. Kailangang mag coordinate ang DOLE, OWWA at Phililippine Coast Guard sa PGM para sa schedule ng pag-uwi at ibang mga detalye n’ya. Mag ra-rapid test din po kami sa OFWs pag pasok nila sa lalawigan at sasailalim din sila sa quarantine.

‘Yong mga locally stranded individuals (LSIs) ay papayagang pumasok at hinihintay lang po natin ang guidelines mula sa National Incident Council na gagawa ng mga proseso sa pagbalik ng LSIs.

‘Yong mga jeep at tricycles ay puwede ng pumasada pero kailangan ang mahigpit na pagsunod sa Department of Transportation (DOTR) circular on safety measures lalo na ang physical distancing.

Ang curfew ay magiging alinsunod sa ordinansya ng bawat municipal government. Inuulit po natin – hindi pa puwede lumabas ang lahat ng tao sa kani-kanilang bahay maliban doon sa may pribilehiyong lumabas ayon sa IATF resolution nos. 35 and 35A dahil nasa quarantine pa rin tayo.

Sa Lunes po ay may meeting ang Provincial Inter-Agency Task Force on COVID-19 kasama ang mga mayors, officials of national agencies, PNP chiefs of police, Liga ng Barangays at ang ibat ibang sectors. Ang PGM ay maglalabas ng executive order o direktiba sa mga bagay na napagkasunduan tungkol sa GCQ at mgahakbang laban sa COVID-19.

Ang sabi ng Pangulong Duterte – dahan dahan at hinay hinay sa laban sa COVID-19 dahil ang iniiwasan natin ay magkaroon tayo ng second wave ng infection sa COVID-19 sa ating lalawigan.

Magtulungan at makiisa tayo sa laban sa COVID-19. Laban nating lahat ito.

Mag ingat tayo at magdasal na matapos na ang krisis na ito para patungo sa pag unlad ng ating lalawigan. Pagpalain kayo ng Panginoon!

What's on your mind?

Related posts