Palitan ng liderato ng Kamara, hindi makakaapekto sa mga panukalang may kinalaman sa COVID-19 response

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi maaapektuhan ng pagpapalit ng liderato ng Kamara ang mga panukala na may kinalaman sa pagtugon sa COVID-19.

Mayroong 15-21 na kasunduan sa pagitan ni Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco para sa speakership post.

Mahalaga kay Cayetano na maihanda ang lahat upang maipagpatuloy ang mga pagdinig sa mga kinakailangang panukala ngayong may pandemya.

Base kasi sa kasunduan, papalit bilang lider ng mababang kapulungan si Velasco pagsapit ng Oktubre, pero mananatili ang lahat ng committee chairmen, maliban na lamang sa Committee on Public Accounts.

Kumpiyansa naman si Cayetano na hindi mapapabayaan ni House Majority Leader Martin Romualdez ang mga COVID-19 related measures kahit magbago na ang house leadership bilang siya rin naman ang Chairman ng Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee.

This article was first published on RMN

What's on your mind?
Marinduque News

Related posts