Isang Authorized Person Outside Residence (APOR) na bumisita lamang para sa isang ‘potential business opportunity’ ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 sa Marinduque. Ito ang ikalawang kumpirmadong COVID-19 patient na naitala sa bayan ng Gasan at pangsiyam naman sa buong lalawigan.