Magnitude 2.9 na lindol naitala sa Buenavista

BUENAVISTA, Marinduque – Niyanig ng magnitude 2.9 na lindol ang probinsya ng Marinduque kaninang umaga, ayon sa Phivolcs.

Nangyari ang pagyanig alas 6:28 ng umaga sa tinatayang 11 kilometro sa hilagang-silangan ng bayan ng Buenavista.

Naramdaman ang lakas ng pagyanig sa mga kalapit lugar kagaya ng Boac, Gasan at Torrijos.

Base sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng lindol. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts