Boac Mayor Carrion, positibo sa COVID-19

BOAC, Marinduque, Setyembre 12 (PIA) – Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Boac Mayor Armi Carrion.

Ito ang kinumpirma mismo ng alkalde sa Marinduque News ngayong araw.

Si Carrion ay sumailalim sa RT-PCR test noong Setyembre 6 at lumabas ang resulta na nagku-kumpirmang positibo ito sa COVID-19 kagabi, Setyembre 11.

Ayon kay Carrion maayos ang kanyang kalagayan at wala siyang nararamdamang anumang sintomas ng nasabing virus samantalang mahigpit din siyang sumusunod sa quarantine protocols.

Samantala, ipinaalam ng alkalde na una ng isinagawa ang contact tracing ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit kasabay ang pansamantalang pagsasara ng munisipyo ng Boac para sa kaukulang disinfection. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts