Marinduque Rep. Velasco, magsisilbi bilang Speaker simula Oktubre 14

BOAC, Marinduque — Mauupo nang House Speaker si Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco kapalit ng kasalukuyang lider ng Kamara na si Rep. Alan Peter Cayetano simula Oktubre 14.

Ito ay kasunod ng pulong nina Velasco at Cayetano kasama si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi sa Malacanang.

Matatandaan na nagkaroon ng term-sharing agreement sa pagitan ni Speaker Cayetano at Cong. Velasco sa simula ng 18th Congress noong Hulyo ng nakaraang taon.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, inaasahang 15 buwang manunungkulan si Cayetano bilang lider ng Kamara habang si Velasco ang tatapos para sa susunod na 21 buwan.

Si Rep. Velasco na anak ni dating Associate Justice at ngayo’y Marinduque Gov. Presbitero Velasco, Jr. at Torrijos Mayor Lorna Velasco ang pinakaunang mambabatas na uupo bilang lider ng Kamara de Representante sa kasaysayan ng lalawigan. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts