#OfelPH, napanatili ang lakas habang binabagtas ang Marinduque-Romblon area

Napanatili ang lakas ng Tropical Depression Ofel, ayon sa PAGASA.

Sa severe weather bulletin bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa layong 125 kilometers Kanluran ng Juban, Sorsogon o 70 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Romblon, Romblon dakong 4:00 ng hapon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batangas
– Southern portion ng Laguna (Luisiana, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan, Alaminos, Los Baños, Bay, Magdalena)
– Central at southern portions ng Quezon (Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, Mulanay, San Francisco, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Tayabas City, Mauban, Sampaloc, Lucban, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Padre Burgos, Agdangan, Pagbilao, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio), Calamian Islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Masbate (kabilang ang Ticao at Burias Islands)

Ayon sa PAGASA, mananatiling nasa tropical depression category ang sama ng panahon habang dumadaan sa bahagi ng Southern Luzon.

Posibleng umabot na ang bagyo sa West Philippine Sea, Huwebes ng umaga (October 15) at lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes ng umaga o hapon (October 16).

Sa araw ng Miyerkules hanggang Huwebes ng umaga, katamtaman hanggang mabigat na kung minsan ay intense rains ang iiral sa CALABARZON, Camarines Norte, Marinduque, Romblon, at Mindoro Provinces.

Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan ang mararanasan sa Central Luzon, Visayas, Mindanao, Metro Manila, Palawan, Cagayan, Isabela, at nalalabing bahagi ng Bicol Region dulot ng bagyo at Southwest Monsoon o Habagat.

Matatandaang nag-landfall ang bagyo sa Can-avid, Eastern Samar dakong 2:30 ng madaling-araw; Matnog, Sorsogon bandang 6:00 ng umaga; at Burias Island, Masbate dakong 12:00 ng tanghali.

This story was first published on Radyo Inquirer

What's on your mind?
Marinduque News

Related posts