Marinduque, niyanig ng magnitude 1.7 na lindol sa araw ng Pasko

BUENAVISTA, Marinduque — Niyanig ng magnitude 1.7 na lindol ang lalawigan ng Marinduque bandang 6:42 ng gabi ngayong Biyernes, araw ng Pasko.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter nito sa layong 13.19 kilometro hilagang silangan ng Buenavista, Marinduque.

May lalim itong 18 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahan na aftershocks ang Phivolcs. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts