Buenavista Municipal Hall sarado sa publiko para sa disinfection

BUENAVISTA, Marinduque – Tatlong araw na sarado ang mga tanggapan sa municipal hall ng Buenavista sa Marinduque para sa gagawing massive disinfection sa lugar.

Ayon sa kalatas pambayan na inilabas ni Mayor Nancy Madrigal, simula kahapon, Enero 27 hanggang Biyernes, Enero 29 ay walang isasagawang transaksyon ang Buenavista LGU upang bigyang daan ang disinfection and sanitation procedure sa buong gusali at compound ng munisipyo.

Dagdag ng alkalde, kailangang gawin ang nasabing massive disinfection para matiyak na nananatiling ligtas sa panganib ang mga empleyado lalo’t higit ang mga mamamayan sa epektong dulot ng COVID-19.

Aniya, maganda ring pagkakataon ito para sa mga medical frontliners at contract tracers na makapagsagawa ng contact tracing sa mga indibidwal na nagkaroon ng close contact sa mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease sa kanilang bayan.

Sa datos, nabatid na hanggang 4:00 p.m ng Enero 27, ang bayan ng Buenavista ay nakapagtala ng 37 COVID-19 infections, 3 sa mga ito ang aktibo pang kaso habang 1 ang naitalang namatay dahil sa naturang sakit. Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts