Konsehal, bokal, nagpaputok ng baril habang naga-inuman?

Mainit init pa! Alam n’yo baga mga parekoy, mga marekoy, may nangyari palang firing shooting sa kasagsagan ng kanilang inuman kagab-i diyan sa lugar na kung tawagin ay Lupang Hiling?

Habang ina-kwento sa atin ng ating tukayo ang nasabing pangyayari, napakanta tuloy ako ng Hiling ni pareng Mark Carpio.

“Kasalanan nga bang umibig?
Parusang lungkot ang hatid
Lamig ng hangin ang yakap
Tuwing gabi
Tuwing gabi

Pinipilit mang itago
Hindi kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng

Bakit parang sa’kin lamang may galit
madayang tadhanang iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?”

Ay adyo, napahaba tuloy ang ating pagkanta, ay di ýon na ngani, ayon sa ating tukayo, dumayo umano ang nasabing mga kolokoy na mga kaibigan ni kolokay sa Lupang Hiling para magjamming-jamming at pag-usapan na rin marahil ang mga kaplanuhan nila ngay-ong malapit na ang filing ng candidacy para sa susunod na eleksyon.

Ang siste, sa kasagsagan umano ng kanilang kasiyahan, itong si fashonistang kolokay, mantakin mong naglabas ng baril?

Nagkaroon tuloy ng kantiyawan. Ang mga kolokoy, nagpagalingan! Sigurado naman kitang pare-parehas silang magagaling dahil may mga pwesto ngani sa kumunidad ang mga bida sa ating istorya.

Kaya ayon, ipinutok ni Konsehal at Bokal ang baril sa Lupang Hiling sa kasagsagan ng kanilang tagayan!

Partida na, nasa ilalim pa mandin kita ng modified general community quarantine. Hindi na kamo nahiya, pinagbigyan laang ngani kayo na diyan magjamming.

Hiling mo bang malaman ang mga bida sa ating erguhan? Magabigay kami ng clue, magsubscribe laang sa Marinduque News Supporters para maging updated ka sa aming mga exclusive content.

What's on your mind?
Marinduque News

Related posts