Ginang ginilitan sa leeg, natagpuang patay sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque – Patay na nang matagpuan ang isang ginang matapos gilitan sa leeg sa loob ng bahay sa Barangay Market Site, Mogpog.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3:30 ng hapon nitong Miyerkules nang dumating ang pamangkin sa bahay at nakita ang biktimang duguan at wala ng buhay sa kanilang kusina.

Sa inisyal na assessment ni Dr. Edzel Muhi, rural heath unit officer ng Mogpog, hypovolemic shock o pagkaubos ng dugo sanhi ng laslas sa leeg ang ikinamatay ng biktima.

Kinilala ang nasawi na si Pacita Manalo Malapad, 67 anyos at retiradong empleyado ng gobyerno.

Inaalam pa ang motibo sa brutal na pagpaslang kay Malapad habang patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng SOCO. — Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts