P100K pabuya, inalok kaugnay ng pagpatay sa ginang sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque — Naglaan na ng P100,000 na pabuya ang lokal na pamahalaan ng Mogpog para sa mabilis na paghuli sa suspek na pumatay sa 67 taong-gulang na si Pacita Malapad.

Ayon sa pulisya, “Ang pamahalaang bayan ng Mogpog, sa pakikipagkaisa ng Mogpog Police Station (MPS) ay magbibigay ng pabuya sa halagang P100,000 sa sinumang makapagbibigay ng sapat na impormasyon na agarang makapagtuturo sa taong pumatay kay Mrs. Pacita Malapad.”

BASAHIN: Ginang ginilitan sa leeg, natagpuang patay sa Mogpog

Matatandaan na alas-3:30 ng hapon noong Abril 22 ng matagpuan ang biktimang duguan at wala ng buhay sa tahanan nito sa Barangay Market Site, Mogpog.

Anumang impormasyon kaugnay ng nabanggit na kaso ay maaaring ipagbigay alam sa Mogpog MPS o sa mga numerong 0998-967-4560.Marinduquenews.com

What's on your mind?
Marinduque News

Related posts