Biyahe ng barko sa Marinduque, balik operasyon na

MOGPOG, Marinduque — Balik na sa normal ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Balanacan Port, Mogpog matapos ang pananalasa ng bagyong Dante nitong Miyerkules, Hunyo 2.

Ayon kay Sherwin Reyes, port manager ng Philippine Ports Authority sa Mogpog, simula ngayong umaga ay operational na ang pantalan matapos ibaba ng Pagasa ang babala ng bagyo sa lalawigan at karatig nitong probinsya.

Samantala, patuloy na naka-monitor at nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na doblehin ang pag-iingat upang makaiwas sa mga sakuna. — Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts