Storm signal sa Marinduque, inalis na

Pagasa BOAC, Marinduque — Inalis na ng Pagasa ang tropical cyclone wind signal sa probinsya ng Marinduque dahil sa patuloy na paglayo ng bagyong Dante.

Huling namataan ang bagyo sa karagatan ng Santa Cruz, Zambales, posibleng humina at maging ‘tropical depression’ o LPA

Batay sa pinakahuling ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) dahil sa bagyo ay kinailangang ilikas at dalhin sa evacuation center ang may 647 katao o 202 pamilya.

Dagdag pa ng PDRRMC, lahat ng mga kalsada sa buong lalawigan ay passable o nadadaanan.

Wala namang naiulat na ‘missing person’ o namatay dahil sa bagyo. — Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts