Ika-26 taon ng police community relations ipinagdiwang sa Gasan, tree planting isinagawa

GASAN, Marinduque — Bilang panggunita sa buwan ng Ugnayan ng Pamayanan at Pulisya, nagsagawa ng tree planting ang mga tauhan ng Gasan Municipal Police Station (MPS) sa Kawilihan Park, Barangay Uno kamakailan. Ang pagdiriwang na pinangunahan ni PLT. Erwin P. Guyada, officer-in-charge ng Gasan MPS ay may temang ‘Pulisya at Pamayanan, Barangayanihan sa Hamon ng Pandemya at Laban sa Krimen’. Sa pagtutulungan ng punong barangay na si Nepthalie R. Eden at sampung barangay opisyales, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), mga senior…