Marinduque, niyanig ng magnitude 2.6 na lindol

BOAC, Marinduque — Isang 2.6 magnitude na lindol ang tumama sa lalawigan ng Marinduque kaninang madaling araw, Agosto 18 batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Nangyari ang lindol mga bandang 3:53 ng umaga sa may 033 kilometro hilagang kanluran ng Boac, Marinduque at may lalim na 001 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Ayon sa Phivolcs walang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng lindol. — Marinduquenews.com

What's on your mind?

Related posts