Call center agent, arestado sa buy-bust operation sa Buenavista

BUENAVISTA, Marinduque — Naaresto sa isang drug buy-bust operation ang isang home-based call center agent matapos itong mahuling nagbebenta ng iligal na droga sa Barangay Daykitin, Buenavista nitong Lunes, Oktubre 18.

Kinilala ni Police Leutenant Reynaldo Lozanta, Deputy Chief of Police ng Buenavista Municipal Police Station ang suspek na si Ginnuel Reanzares, 36 anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, bandang alas 2:30 ng hapon ng magsagawa ng buy-bust operation ang team na pinamunuan ni Lozanta at nahuli ang suspek na aktong nagbebenta ng shabu sa isang police asset na nagpanggap na buyer.

Bukod sa ibinenta niyang iligal na droga, narekober din sa suspek ang mark money na nagkakahalaga ng P3,000, isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na itinago sa loob ng pakete ng sigarilyo, 2 kahon ng cookies at 2 piraso ng laptop cooling fan.

Kakasuhan si Reanzares ng paglabag sa Repulibc Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. — Marinduquenews.com

What's on your mind?
Marinduque News

Related posts