Mga barangay tanod sa Sta. Cruz, tumanggap ng insentibo

SANTA CRUZ, Marinduque — Tumanggap ng cash incentive mula sa pamahalaang bayan ang mga barangay tanod sa Santa Cruz, Marinduque kamakailan.

Ayon kay Dr. Antonio Uy, Jr., alkalde ng Santa Cruz, ang insentibo ay ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan sa mga barangay tanod dahil sa pagpapamalas nila ng kagitingan at kasipagan sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa mga pamayanang kanilang pinaglilingkuran.

“Bilang inyo pong punongbayan, ang peace and order ay isa sa aking mga prayoridad sapagkat naniniwala ako na napakahalaga ng kapayapaan at kaayusan sa ating munisipalidad,” pahayag ni Uy.

Naniniwala aniya ang alkalde na malaki ang gampanin ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng katahimikan at paglaban sa mga ilegal na gawain sa mga barangay.

Bawat isang barangay tanod ay tumanggap ng halagang P1,000 bilang pamaskong insentibo. — Marinduquenews.com

Related posts