32 titser-iskolar mula Mimaropa, nagtapos ng cultural educ program sa MSC

BOAC, Marinduque — Sa kabila ng banta ng Omicron variant dulot ng COVID-19, nagkaroon ng lohikal na konklusyon ang programang Graduate Diploma in Cultural Education (GDCE) sa rehiyon ng Mimaropa, kamakailan.

Nasa 32 na mga Titser-Iskolar mula sa mga probinsya ng Romblon, Oriental Mindoro at Marinduque ang dumalo sa katatapos lamang na completion rites na isinagawa noong Enero 15 sa Marinduque State College (MSC) Gymnasium.

Ang GDCE 2021 Batch 2 Final Rites ay may temang ‘Championing New Normal Education Reshaping Filipino Imagination’ kungsaan sa pamamagitan ng pagsusuri at pagtatasa ng mga kinatawan sa Registrar Office, pageendorso ng dekana ng Graduate School at pagkukumpirma ng pangulo ng MSC ay pormal na nagsitapos ang Batch 2 ng GDCE Mimaropa.

Mula sa Romblon, nakamit nina John Michael T. Ballovar ng Looc National High School at Rico G. Magramo ng San Andres National High School ang sertipiko ng pagtatapos ng mga kurso ng level 2 ng GDCE.

Gayundin, galing sa Oriental Mindoro, nakuha ni Joephet M. Lagustan ng Sacred Heart Academy ang parehong katibayan ng pagkompleto ng CulEd 205, 206, 207 at 208.

Sa huli, mula sa Marinduque may 28 Titser-Iskolar ang nabigyan ng parehong pagkilala: may lima sa distrito ng Santa Cruz na kinabibilangan nina Joseph L. Lozanta ng Ipil National High School; Christabel P. Alojado ng Makapuyat Elementary School; Eric J. Maningas ng Landy National High School; Aljhon M. Mansalapus ng Mongpong Elementary School; Jolibee L. Marciano ng Matalaba National High School. Mayroon ding lima sa distrito ng Gasan, si Jellie Ann L. Jalac at Ann Margaret Perolino ng Bangbang National High School; si Hannah Cinkee O. Nocum ng Bognuyan National High School; John Earl M. Manlisis ng Marinduque Midwest College; at Jerahmeel M. Laderas ng Tapuyan National High School.

Mula naman sa distrito ng Mogpog may walo na kinapapalooban nina Micha M. Lanete ng Puting Buhangin National High School; Joanne C. Mogol ng Argao National High School; Johnnel A. Palacios ng Capayang Elementary School at galing sa Guisian Elementary School sina Ronalyn R. Morong at Anthony E. Murillo, mula sa Mogpog National Comprehensive High School sina Clarissa L. Vitto, Rhia J. Galloniga at Anna Jessa J. Malco.

Habang may isa mula sa distrito ng Torrijos, si Krizzia M. Oliveros ng Sibuyao National High School at 10 sa Distrito ng Boac na kinabibilangan nina Romilyn M. Brual ng Mainit Elementary School; Crystal Insigne ng Don Luis Hidalgo Memorial School; mula naman sa Marinduque National High School sina Marco Alexandro M. Leyco, Jing-Jing L. Mendoza at Rufina L. Nepomucena; mula są Cawit National Comprehensive High School sina Myra M. Luci at Lovely M. Olpot; gayundin mula sa Marinduque State College sina Kate R. Lamac, Vince Justin Roland S. Madriaga at Rizalyn M. Magno.

Malugod namang nagpaabot ng pagbati ang direktor ng Philippine Cultural Education Program (PCEP) na si Dr. Joseph ‘Sonny’ Cristobal.

Nagbigay rin ng mga mensahe ang DepEd Division of Marinduque na si Dr. Elsie Barrios at mula sa DepEd Mimaropa na si Annabelle Marmol.

Sa huli ay lubos na pasasalamat para sa mga GDCE Faculty ang ipinaabot ng grupo na kinabibilangan nina Dr. Victor Emmanuel Carmelo Nadera Jr, Dr. Maria Bulaong, Michael Charleston’Xiao’ Chua at Dr. Orlando Magano kasama sina Dr. Randy Nobleza, Ar. Jose Manuel ‘Manolet’ Gacria, Prof. Ricamela Palis at Prof. Jonah Jimenez. — Marinduquenews.com

Marinduque News

Related posts